Thursday, 24 January 2013

Kawit Massacre: Gunman, Door-to-Door kung Manira

KAWIT MASSACRE
-SOFIA BAÑAS-

Manila, Philippines- Isang karumal dumal kaagad ang naganap sa Kawit Cavite kakapasok pa lamang ng taong 2013. Pitong tao ang namatay kasama ang isang buntis at dalawang bata at labing isa naman ang sugatan sa Massacre na ito.

Ayon sa Pulisya, ang gunman ay pinangalanan na si Ronald Bae at si John Paul Lopez na naging re-loader at dating caretaker ng nasabing gunman.

Ang dalawang ito ay pinaniniwalaang nakahithit ng droga dahil sa mga drug paraphernaliang nakita sa kanilang tirahan.
Ang dalawang ito ay ibang klase tumira; sila pa ay dumadayo sa mga bahay bahay at tinitira ang mga ito. Pati na rin ang mga umaawat at nakakasalubong sa daanan. Kapag naubusan na ng bala ang -cal-45 pistol-, ito naman ay kaagad na lalamanang uli ng reloader na si Lopez.
Sa kanilang paglilibot at pagbabahay bahay o sabihin na nating pagdoDoor-to-door, pitong tao ang kanyang napatay at may kasama pang buntis at 2 pang bata. Ayon sa imbestigasyon, nagsimulang magpaulan ng bala ang gunman mga 9:00 ng umaga ng Enero 3, 2013.

PAHAYAG NG PALASYO
Hinatulan ng Malacañang ang nangyaring shoot out. Maari kasi itong maggatong laban sa mga hindi lisensyadong mga baril sa bansa.
“Unang-una, kinokondena po natin ‘yung nangyari, especially may mga bata po na nabiktima,” ani ng deputy presidential spokesperson Abigail Valte.

Narito ang mga ilan sa biktima ng pangyayaring ito:
  • Alberto Fernandez
  • Micaela Caimol, 7
  • Boyet Toledo, taho vendor
  • Irene Cuelas, 38, fruit vendor
  • Jan May de Vera, 3
  • Rhea de Vera, 34, buntis
  • Ann Orio, 30
  • 3 ay hindi pa napapangalanan
Ang mga sugatan sa shoot-out ay dinala sa St. Dominic Hospital in Bacoor at St. Martin Maternity and Pediatric
Napatay ng isang pulis ang gunman alas onse ng umaga at nakatakas ang nasabing caretaker nito.

Kaya nagbigay ng pabuya si Cavite Governor Juanito Victor Remulla ng Php 100,000 para sa makakahanap kay Lopez. Ngunit kinabukasan (Enero 4,2013) pagkatapos ng pangyayari ay nahuli na rin si Lopez. 


Marami din ang nagsasabi na ang gunman ay itinuturing na bossing sa kanilang lugar. Tumakbo kasi ang gunman bilang Barangay Captain ngunit bigo itong manalo.

Pinagmulan:
  • http://www.abs-cbnnews.com/nation/regions/01/04/13/10-hurt-cavite-shooting-rampage
  • http://www.philstar.com/nation/2013/01/05/893593/cavite-police-charge-gunmans-caretaker
  • http://www.gmanetwork.com/news/story/288797/news/regions/7-dead-11-wounded-in-cavite-shooting-rampage-gunman-killed

BY: Sofia Nicole T. Bañas
Grade VII Sikat
Naga City Science High School
Philippines